top of page

PROJECT GRACE-UP

NATIONAL LGBTQ+

WRITERS WORKSHOP

Ya Gaganahan sa Miss Gay*

Paolo Sumayao

Sabi kunu ku mga baklang

nangimbitar ku mga kandidata

ya gaganahan kunu sa kanirang Miss Gay

buku sanang korona, buko sanang sash,

buku sanang burak o kadakul na kash.

A minggana kunu agku darwang bote

nin alak saka losyon galin sa mga isponsors,

sagkud dawa kunu daug, agku man dyaday.

Kaya biyung puluk-puluk su mga bakla

ta marhay na kunuy tun sa uda basang.


Baga na tasa kin rak en rol ya istage

ta iba-iba ya kolor ka kanirang mga pustura.

Agko lang kintab, agko man ngamin burak,

agko baga na mantel, agko baga na kakasalon.

Ruluwasan man kunu su mga susung ipit ku

magurukas na para sa swim-sut, saka

magsirimbigan na ka mga kwestyons.


Ku binaoy na su mga nanggarana,

nakaabang naman su mga lalaki

sadtu gilid ka istage, baga na agku in-uulat.

Paggalin ku mga bakla uru-alsa su mga bado, 

korona, sash, burak, su alak sagkud losyon,

su mga lalaki nauda naman, baga na sin-nunud.


Ya gaganahan sa Miss Gay

amo ya korona, sash, burak,

su losyon, pan-inom na alak,

sagkud usad na gab-ing 

pagkamoot ka lalaki.


*published in Ani, 2012

**written in Rinconada, a Bikol dialect used mainly in Camarines Sur’s southernmost towns.

Ang Mapapanalunan Sa Miss Gay

Wika ng mga nangimbitang bakla

sa amin, mga kandidata,

ang mapapanalunan sa kanilang Miss Gay

ay hindi lamang korona, hindi lamang sash,

hindi lamang bulaklak o sandamakmak na cash.

Ang magwawagi’y tatanggap ng dalawang bote

ng alak at lotion mula sa mga sponsors;

mayroong matatanggap kahit talunan.

Kaya naman todo ang rampa ng mga bakla

dahil mainam na ang meron kesa wala!


Animo’y mangkok ng rak en rol ang entablado:

maraming kulay, iba’t ibang pustura.

Merong makinang, bulaklakin,

may mistulang mantel, mayroong mukhang ikakasal.

Nagsilabasan din ang mga susong ipit

sa mga gipit na tela sa swimsuit,

at magpasiklaban sa mga sagot sa tanong.


Nung tinawag ang mga nagwagi,

nakaabang na din ang mga binata

sa tabi ng entablado, mistulang naghihintay.

Buhat ang mga trahe, korona, sash, bulaklak,

alak at lotion, isa-isang lumisan ang mga bakla

at nawala na din ang mga binata.


Ang mapapanalunan sa Miss Gay

ay korona, sash, bulaklak,

lotion, alak na maiinom,

at isang gabi ng pag-ibig

ng isang binatang kanina pa naghihintay.



The Prize for Miss Gay

Said the bakla who invited

us candidates,

the prize for Miss Gay

isn’t only a crown, isn’t only a sash,

aren’t only flowers or loads of cash.

The winner shall receive two bottles

of wine and lotion from the sponsors;

will receive something even if they lose.

And so the bakla are strutting intesely

because it’s better to get something than none at all!


The stage is like a bowl of rak en rol:

with many colors, various get-ups.

Some are shiny, some floral,

some tablecloth-like, some looking like

brides.

Severely compressed breasts also came out

through barely clothed swimsuits,

and they’ll outdo each other by answering the Q & A.


When the winners were called

the young men were standing by

the stage, they seemed to be waiting.

carrying sets of clothes, crowns, sashes, flowers,

bottles of wine and lotion, the bakla left one by one

and the young men had disappeared, too


The prize for Miss gay

are a crown, a sash, flowes,

lotion, wine for drinking,

and a night of love

from a young man who has been waiting for a quite a while.

bottom of page