top of page

Icarus

Steno Padilla

Araw-araw kong ninanakaw ang mga sulyap
patungo sa iyo, tulad ng pagsilip ng ina sa
silid ng anak bago siya humimlay sa kama.

Sa bawat pagtanaw ay kinukumutan kita
ng matatamis na salita at mga pangarap
na sa aking isip ay laging hinuhulma.

Nilalanghap ko ang samyo ng pag-asa
at ipinababango ito sa aking katawan
hanggang ako at ang pag-asa ay maging isa.

Ito nga ay gagawin kong kalasag upang
sanggahin ang saksak ng pangungulila
sa pusong makailang-ulit nang lumaban,

nadarang, nasaktan at muling nasugatan—
paulit-ulit at paikot-ikot na parang mga
gamugamo sa nagniningas na lampara.

Ngunit mapaso at masunog man ang pakpak
ay pilit pa rin akong lilipad papunta sa
iyo, dahil sa mundo ko ay ikaw ang liwanag.

Icarus

Every day I steal glances

toward you, like how a mother checks on

her child’s room before she lies in bed.

In every gaze, I blanket you

with sweet words and dreams

that I constantly shape in my mind.

I smell the scent of hope

and perfume by body with it

until I and my hope become one.

I will turn this into a shield with which

to block the stab of longing

in the heart that has fought countless times,

that dried up, got hurt, and got wounded again––

repeatedly and whirlingly like the

moths flaming in the lamp.

But even if these wings are seared and burned

I shall still strive to fly towards

you, for in my world you are the light.

PROJECT GRACE-UP

NATIONAL LGBTQ+

WRITERS WORKSHOP

bottom of page