Pulgada
Steno Padilla
Tuwing Linggo ng gabi
magkasandig ang iyong likod
at aking dibdib,
tatlong pulgadang agwat
ng mga pusong
iisa ang tibok,
iisa ang pintig.
Sa gabing magkatabi
nilalaro ang tuwid mong buhok
ng antukin kong mga daliri,
katumbas ng bawat hibla
ay mumunting ligaya—
sinusuyod ang pagod,
hinahawi ang lungkot.
Tuwing Linggo ng gabi
kapag kita ay katabi
libangan kong pagmasdan
sa iyong pagkahimbing
ang maamo mong mukha,
at lihim kong dalangin
sa sinumang diyos na gising
na umaga’y ‘wag paratingin
upang ikaw at ako
dito sa sariling mundo
ay manatiling magkasuyo.
Inch
Every Sunday night
your back rests
on my chest,
the three-inch gap
of hearts
with one pulse,
with one beat.
On the night I am beside you
your straight hair plays
with my sleepy fingers,
from each strand of it
comes little joys––
soothing the exhaustion,
clearing the sadness.
Every Sunday night
when you are beside me
I take pleasure in watching
as you sleep
your gentle face,
and I secretly pray
to whichever god left awake
not to make the morning come
so that you and I
in this world that we own
can stay close to each other.