PROJECT GRACE-UP
NATIONAL LGBTQ+
WRITERS WORKSHOP
Rak en Rol* na walang Asukal
Paolo Sumayao
Makulay ka nga’t kaakit-akit:
maliliit na tablang humiram ng
kulay sa bahaghari at lumundag
sa mainit na mantikang dagat,
umahon at namahinga
sa mangkok ni Lola.
Makulay ka nga’t malutong:
tila bagong taon
sa loob ng aking bibig
o di kaya’y tag-ulan
sa daigdig ng mga yerong bubong.
Makulay ka nga’t matabang naman:
kung ano man ang iyong pagkukulang
wala ito kumpara sa kakulangan kong
panatilihin ang akit at lutong
ng relasyong mistulang
awit na rak en rol.
*Rak en Rol, a deep-fried fried tapioca or cassava-based delicacy presented in a multitude of colors, sprinkled with sugar
Rak en Rol without Sugar
You are indeed full of color and captivating:
little wooden pieces that borrowed
colors from the rainbow and leaped
into the hot sea of oil,
got out of it and rested
in Lola’s bowl.
You are indeed colorful and crisp:
like the new year
inside mouth
or like the rainy season
in a world full of metallic roofs.
You are indeed colorful and yet bland:
Whatever it is that you lack
is nothing compared to my lack
at maintaining the desirability and crispness
of a relationship that is like
a rak en rol song.